road trip...
bago kami makasakay ng bus, bumuhos ang napakalakas na ulan sa Quirino kung saan kami nagaabang ng masasakyan, dapat ang sasakyan namin trese martines dahil sobrang lakas ng ulan sumakay kami ng bus byaheng dasmarinas cavite.. at wala kaming ka idea idea kung saan ba yung pupuntahan namin. sinabi na lang namin sa conductor na ibaba kami sa rob dasma. dahil nabasa ko dun sa site nila na malapit lang dun yung resort.
ang tagal ng byahe, feeling ko naliligaw na kami. haha. umpisa pa lang exciting na...
nung may nakikita na kong signs na nasa dasma na kami, natutuwa na ko.. almost 1 hour na din kami nasa byahe...
bumaba kami sa rob dasma. chineck namin yung atm account ng yamy ko,. and surprisingly, 15k ang laman. O.O
we bought our needs and foods. alak, chichiria, tinapay, kung anu anu pa. pagkatapos mamili, sumakay kami ng tricycle para magpahatid dun sa resort. ay nakakaloka. walking distance lang pala yun. 50 pesos pa yung binayad namin. tsk. at yun na! nasa resort na kami.
nagentrance na nga kami. excited na excited ako. haha.
pagdating namin sa front office, kinonfirm ko yung reservation namin.. tapos dinala na kami sa room namin. they are hospitable. 2 thumbs up for that.
pag pasok pa lang sa mismong entrance ng resort nadis appoint na ko sa nakita ko, hindi xa kasing laki ng ineexpect ko, and super dami ng tao. pero nabawi naman yun ng pagiging hospitable ng staff nila. habang naglalakad papunta sa hotel building, at pag pasok sa hotel gate, nabawi naman yung worries ko, kasi may sariling pool ang hotel guests at ang maganda nyan konti lang nakacheck in kaya parang solo namin dalawa yung pool. di yata mahilig magswim yung mga guests.,
ampagsakalat naman ng yamcoh ang boxer eh nakasabit pa eh! |
pagpasok namin sa room.. naamaze ako. ang lamig, complete amenities. malaki yung banyo at clean, malaki din yung kama at may malaking salamin na pinaka head board nito. may cabinet, tv, telephone, tables and chairs na hindi puchu puchu, at ang pinaka nakatulong samin, ang ref! 2 thumbs up para sa room nila. ang cute din ng veranda nila. may tables and chairs na pwedeng tambayan. ayos sana kung nasa higher floor kami kaso nakalimutan ko na din magpalipat, tsaka baka iba na yung price nun. standard lang kasi yung room namin, ok na din namn dun, atleast di hustle umakyat baba pag gusto namin magswim.
pag kaayos namin ng gamit namin sa loob ng room,. parang naisip ko, gusto ko ng chicken. andoks or anything na roast chicken. syempre ibibili ako ng yammy ko.. nilock muna namin yung door, tas naglakad lang kami papuntang rob para bumili ng roast chicken tas nag jip na kami pabalik.. mejo malayo din kasi eh.
pag dating namin nag ihaw ihaw agad kami. para makakain na kami ng lunch. ang saya lang. haha.
after ng ihaw ihaw. nagprepare na kami for lunch.
after ng lunch nagswimming na kami. kahit dalawa lang kami, super naenjoy namin ang araw na yon. mga 1 hour or 30 minutes lang yata kami nagswimming, tas naginom na kaming dalawa. one on one sa isang boteng empi. lasingan. haha.. deretso namin naubos yon. afte 2-3 hours na kwentuhan, tawanan, lambingan. naubos din namin. after namin uminom kumain na kami ng dinner tas naligo, tas nood tv tas nag ayos na para matulog.
after namin kumain ng breakfast nagpunta na kagad kami sa pool at bininyagan ang mga pool na walang tao.. naglaro kami na parang mga bata... 9 am dumami na ang mga tao at nagdecide na lang kami na mag stay sa room at magpahinga habang hinihintay ang checkout time namin.
check out time!
back to manila na kami! nakakaloka. super saya at super memorable ng 3rd year anniversary namin. nakakapagod. pero sobrang saya, nakakainlove. nakakakilig. sarap magmahal. sarap pag mahal mo kasama mo. :) sana madami pang ganitong dumating sabuhay namin dalawa. :)
for more information about the resort you can visit. http://www.quboqabanaresort.com/