nakakastress.
pero overwhelming ang ending.
2nd minor function.
di ko enexpect na ganito ang kalalabasan nito. hindi ko inexpect na magiging ok lahat.
mag 9 na, parang wala pa din kami nagagawa. natetenxon na ko kahit 2pm pa naman ang event. pero chill lang dapat. hehe. alam ko kasi kaya namin.
infairness, busy talaga lahat.
10 na, parang ang dami pang kulang, ang dami pang mali.
11, 12... unti unti ko na nakikita ang pagbabago....
1pm...
natapos namin ang layout design na di namin inexpect na ganun kaganda ang kalalabasan.
Wednesday, January 30, 2013
Friday, January 18, 2013
SAYANG
tiwala ay binagay, kaibigang tunay,
ngunit bakit ninakaw salaping taglay.
Patawad sa una'y aking binigay,
ngunit bakit ang kati'y sadyang taglay
sa pangalawa'y pinalipas ko man,
sapagkat perang nawala'y konti lang naman
ngunit bakit parang ika'y natuwa
mamahaling gamit pati saki'y kinuha
anu bang problema mahal kong kaibigan
nandirito naman ako para iyong sabihan
makakaasa kang hindi pababayaan
hindi mawari ang pinagdadaanan
mukang palaki na ng palaki ang pangangailangan
at nang ika'y makita at mahuli
ikaw ay di umamin sa iyong pagkakamali
sino nga naman ba ang aamin
sa kahihiyang tila kumain
ng pagkatao mong nakabitin
sa apoy na nagliliyab sa ilalim
ngunit kung ikaw ay sasabi
at magpapakumbaba
magsisisi ng lubos sa kasalanang nagawa
hindi ka lang masasagip sa badyang pagkawala
kaibiga'y sasalo sayo at di mapapariwara
pagpasensyahan sana kilos na nagawa
emosyon talagang hindi na mawala
sakit na dulot hindi dahil sa bagay na nawala
kundi sa pagkakaibigang tila BINALEWALA
Subscribe to:
Posts (Atom)