Tuesday, February 12, 2013

unknown self.

ang gulo ng buhay ko. sobrang gulo. di ko alam kung saan ako lulugar, hindi ko alam kung sino ba talagang may kasalanan,. hindi ko alam kung nasaan ang mali, hindi ko na maintindihan. di ko alam kung saan ako pupunta... di ko alam kung saan to patungo... nahihilo na ko. paikot ikot. walang tamang direksyon. walang kasiguraduhan. masakit. nakakapagod. ang hirap. di na ko makahinga. bakit. bakit ba ganito. bakit ganito ang buhay. bakit kelangan maging ganito. hindi ko alam kung saan ang kulang, kung bakit kelangan magkulang, bakit. bakit. hirap na hirap na ko. gusto ko na lang sumabog. wala na ko mapaglabasan. wala na. wala na. wala na silang lahat. wala na lahat. sino ba dapat ang pagkakatiwalaan? alin ang dapat sundin? pusong pigang piga na at humihingi ng panahon para makatibok muli, o ang utak na nalanta sa kaiisip ng mga bagay na tama at dapat. pusong kasiyahan lang ang alam o utak na gustong maging maayos ang lahat. bakit kelangan pa magkaganito,. buhay na inaasam ng karamihan ay tila buhay na tinatapon ko lang. saan? saan ang daan? saan ang dulo? tulong. tulong. di ko na kaya to. di ko na kayang magisa sa mundong ako lang ang bida. gusto ko na maging masaya. gusto ko na matapos ang lahat ng sakit at pagdurusa, sana, sana may taong makakaintindi sa nararadaman ko. uunawa sa wasak kong pagkatao. bubuo muli ng nasira kong mundo. Dyos ko, kelangan ko po ng tulong nyo. di ko na kaya ang ganito.... ituro nyo sakin ang sarili ko.....

No comments:

Post a Comment