Saturday, November 17, 2012

fate is a process ღ


mind -> words -> action -> habit -> character -> fate



actually, narinig ko lang yan sa Filipino 2 professor ko, nacurious ako nung sinulat nya yang mga salitang yan, habang nagiingay ang mga kaklase ko. pag kasulat nya sa board, umupo sya at tumingin sa amin, isa-isa nya tinitingnan ang mga kaklase kong, sobrang magingay, parang walang prof sa unahan. buti na lang, ireg ako, so, di ko pa ganoon kaclose ang mga classmates ko kaya wala ako makausap. tinuon ko na lang ang pansin ko sa nakasulat sa board at sa prof naming ngiti ng ngiti habang nagmamasid. ang weird! sobra.
tapos, nagsalita sya... 

ang naintindihan ko sa mga sinabi nya,


we are the one who is responsible with our fate. it's always starts on  our minds, kung ano yung iniisip mo, yun dapat ang sundin mo. kaya lang, isipin mo muna ng ilang ulit, kung tama ba o mali, saka mo buuin ang mga salitang bibitawan mo, dahil baka taliwas yon, sa kung anong iniisip mo, pag sigurado ka na sa mga salitang binigkas mo, saka mo isipin kung anong action ang gagawin mo, pwede kang magshortcut, pero mas maganda kung paghihirapan mo ang bawat bagay. at hanggang sa magiging habit mo na ang aksyon na ginawa mo. paulit-ulit mong gagawin yun hanggang sa makasanayan mo na. pag nasanay mo ng gawin ang mga bagay na yun, yun ang bubuo ng karakter mo, ng pagkatao mo, yun na yung tinatawag na IKAW. depende na kung ano ang inisip mo nung umpisa kung ano ang magiging kapalaran mo, kung maganda, eh di maganda, kung masama, eh di masama. Ikaw ang may kontrol ng lahat, maaring mahirap, maaring madaming sagabal at tukso papunta sa kapalaran mo, ngunit, dapat mong panindigan kung ano ang nasa isip mo. kung mababago ito, mababago din ang kapalaran mo. 


it's like,


goodlife >dream >pursue >hardwork >diligent >goodlife


"everything you'll do, will be paid in the end"-april




No comments:

Post a Comment