kung end of the world na bukas, ano nga ba una kong gagawin? choose the right? pero di ko naman gusto? or choose the wrong, but masaya ako?
ano nga ba?
yung magdadala sakin sa langit?
o yung maaring dalhin ako sa hell?
pipiliin ko ba ang panandaliang saya habang naghihintay ng katapusan?
o ang pagiging tama hanggang katapusan?
how is it can be right? when it actually wrong? and how it can be so wrong? when it is actually the right?
iba iba nga naman ang perception ng tao. iba iba ang iniisip nila tungkol sa pamumuhay sa ibabaw ng mundo. merong sobrang relihoyoso, na ang tanging misyon lang sa buhay ay magpakabuti para makarating sa langit. actually, 1 year ago, naalala ko pa yung tinuro ng psychology professor ko...
ang buhay, ikaw dapat ang mamili sa kung anong pupuntahan nyan... you have freedom to choose and it is your responsibility.
hindi yung, magpapakabait ka lang dahil gusto mong pumunta sa langit? without any idea what are the importance of God? so pano kung walang ganung consequence? pano kung kahit magpakabait ka, sa hell ka pa din? hindi ka na magpapakabait ganun?
ang buhay hindi kelangan ng dahilan.
kung naniniwala ka sa Diyos, eh di maniwala ka, wag mo isipin ang consequences. Let Him guide you, pag nagkamali ka, say sorry. I'm sure maiintindihan nya, kung paulit ulit kang nagkamali, pilitin mong itama, hindi yung puro sorry ikaw din naman ang magsusuffer ng consequences eh, dahil ikaw din ang gumawa nun. wala syang kasalanan, kaya di ko pa din magets ang mga taong sinisisi lahat sa Diyos ang mga paghihirap nila, hello? kamusta naman yun? try mo kayang irewind ang mga ginawa mo, tingnan ko lang kung hindi mo makita ang mali sa pagkatao mo.
ako? ang buhay ko? hindi perpekto. laging komplikado. at aaminin ko, ilang beses ko ng ginustong wakasan na to. ayoko na. pagod na ko. masyado ng masasakit ang mga nangyayari, lagi kong kinukumpara ang sarili ko sa iba, bakit ako ganito, bakit sila ganun? di ko maintindihan pero talagang ang tingin ko sa sarili ko, sobrang lubog na sa putikang di na makaahon. at patuloy na nilulubog ng mga taong masayang masayang lumulubog ako.
pero pag kaharap ko na ang Diyos, gumagaan ang loob ko, para bang may yumayakap sakin na pinupunasan ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko.
hindi ko alam kung nagbago na nga ba talaga ako, maaring hindi pa, maaring asar na asar pa din ako sa buhay na meron ako, pero isa lang ang alam kong nagbago, ang pananaw ko.
noon, ang buhay para sakin, dapat puro saya, dapat gawin lahat ang gusto. lahat dapat makuha ko. masyado akong makasarili.gusto ko ako lang. gusto ko masaya ako, ni hindi ko man lang naisip, masaya nga ko, pano yung iba? masaya ba sila sa ginagawa ko?
ang hirap isipin kung end of the world na nga bukas. Ano nga ba gagawin ko? lahat ng tao siguro sasabihin, gusto nila makasama yung mga taong mahal nila.
ako kaya?
sana kung end of the world na bukas, libre na lahat ng pamasahe, sa eroplano, barko, jeep, taxi, tricycle, haha. basta lahat libre. para maigala ko ang momy ko around the world, pero teka? kaya ba ng oras yun? at may magddrive kaya? syempre mas pipiliin ng mga driver na makasama na lang nila ang mga mahal nila sa buhay, kesa magpakapagod magmaneho para sa iba di ba, eh panu kung, sana libre na lang lahat ng bagay noh? kotse, lahat libre, pati pagkain, as in wala ng kwenta ang pera sa mundo. oh eh sino naman ang gagawa ng mga pagkain? sinong magtitinda? at yung kotse, panu un? eh hindi naman ako magdrive? cgurado busy lahat ng tao para makasama nila ang mahal nila sa buhay... hay anu kaya? dito na lang sa bahay? hihintayin ang end of the world?
hmmmm...
napaisip ako, nagawa ko ng magsaya, hobby ko yun eh, motto ko pa. para ngang buong buhay ko yun na lang ang inisip ko, gawin lahat ng pwedeng makapagpasaya kasi baka hindi ko na magawa. nagawa ko na din magmahal ng paulit ulit. chumever, nagawa ko na din kumain ng madami na parang wala ng bukas, nagawa ko na din naman gumala ng wagas, nagawa ko na din magpakalasing, at bumisyo, nagawa ko na din naman maging mabuting anak, kaibigan, kapamilya. nagawa ko na naman yun eh. ang di ko pa lang talaga nagagawa ng kumpleto eh... yung linisin ang sarili ko...
kung end of the world na bukas, ang una kong gagawin, pupunta ng church, magkukumpisal, at kahit abutin ako ng isang buong araw sa kakasabi ng mga kasalanan ko at paghingi ng sorry k God gagawin ko. sa dami ba naman ng kasalanan ko. at hihiling ako kahit isa lang, na sana pag end of the world na bukas, sama2 pa din kami ng mga mahal ko sa buhay kasama sya. cgurado, masaya na kong mawawala.
Friday, November 30, 2012
What if end of the world na bukas?
Labels:
wisdom
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment