Showing posts with label wisdom. Show all posts
Showing posts with label wisdom. Show all posts

Friday, November 30, 2012

someday it gonna make sense ★

I do believe in "Everything happened for a reason" di ko lam kung pampalubag loob lang at pagtakas o talagang naniniwala nga ako.


lagi kong iniisip na sana may mas magandang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay ko, malalim pero, totoo.


siguro kaya ako nasaktan noon, para tumibay at lumakas ang loob. siguro kaya may mga taong nawawala para matuto tayong tumayo sa mga bagay na akala nating di natin magagawa ng wala sila. siguro paraan lang yun ng pagpaparealize satin na kaya natin, dahil minsan na nating inisip na hindi natin kaya.


siguro kaya may nakikilala tayong mga bagong tao, sila yung magpapakilala kung sino talaga tayo. pwede silang maging kaaway o kaibigan. siguro kaya dumadating sila para ipakita sa atin kung ano pa ba ang mga bagay na di pa natin alam. pwedeng ituro nila, o pwede ding tayo ang makatuklas ng dahil sa kanila.

ang mga nakakaaway natin, di natin alam mahalaga pala ang mga nagawa nila sa buhay natin, di lang natin napapansin pero, sila ang nagsisilbing pampatibay ng katauhan natin. ng dahil sa kanila natuto tayong magisip ng paraan kung paano lumaban, kung ano pa ba ang dapat at di dapat gawin. sila ang humuhubog sa mura nating isipan kung ano ang mga totoo sa atin. di man natin matanggap, pero sila ang nagpapaalala sa atin ng mga bagay na buong buhay natin di natin matanggap sa mga sarili natin. sila ang nagpapaalala ng mga bagay na gusto na nating kalimutan. mga bagay na ikaw sa sarili mo, di mo matanggap tanggap. pero ng dahil sa kanila, makikita mo ang kagandahan ng mga lumipas. kagandahan na maari pa lang maging sandata mo pag dating ng araw. di mo maiisip na dun ka na pala humuhugot ng lakas. ganyan sila, ganyan ang mga kaaway. ginagalit ka nila, sinasaktan. pero isipin mong mabuti, karamihan sa sinasabi nila ay totoo, ngunit hindi tanggapin ng pagkatao mo. bat di mo subukang balikan ang mga sinasabi nila? itama mo? saka ka magpasalamat sa kanila. dahil sa kanila, lumuwag na ang sikip sa puso mo.


ang mga kaibigan natin, sila yung nagbibigay ng saya, sa bawat panahon na lumipas, iba't ibang kaibigan ang ating makakaharap,.. lahat sila may dalang purpose sa buhay mo, lahat sila may naiambag sa pagkatao mo, akala mo puro saya lang? akala mo puro katotohanan? maaring kwento ng buhay nila ang magturo satin ng mga bagay bagay na dapat nating malaman, na sa palagay mo ay hindi mo pa nararanasan. pwede nating paghandaan kung sa atin man maganap. minsan ang kaibigan, sila nga ang nakakasama mo, pero hindi pa pala nila kilala ang totoo mong pagkatao,. natatakot ka na baka pag nalaman nila, mawala sila sayo? hindi yon ang tunay na kaibigan,. ang kaibigan ay yung maiintdihan ka sa lahat ng bagay,.
maingay ka man, tahimik, maarte, simple, matapang, duwag, anu man ang pagkatao mo, tanggap ka nila. hindi mo dapat tinatago kung sino ka talaga, lalo na kung sa mga walang kwentang tao. masarap mabuhay ng ginagawa mo ang gusto mo, sinosoportahan ka ng mga taong nasa paligid mo,.. panget man o maganda,. tatanggapin nila dahil dun ka masaya. may mga nasasabi din sila na maaring tumatak sa isipan natin. na maaring bumago sa buong pagkatao natin. nasayo na yon kung susundin mo. pero kung alam mong magiging masaya ka in the end, why not di ba? simple lang naman ang buhay. nasayo lagi ang pag pili. wag mo lang kakalimutan ang mga aral na nakita mo sa bawat pangyayareng nagaganap sa buhay mo. mga pangyayareng dala ng mga nakakasalamuha mo,. KAAWAY man, o KAIBIGAN. pareho lang yan.


ang mga pagsubok sa buhay natin di yan matatapos, hanggat buhay ka pa. kaya every trials you've got, take it as a challenge. isipin mo na lang part yun ng journey mo,.. marerealize mo din kung bakit nangyare ang mga yun at yun ang pinakamasarap na feeling. ang malaman ang halaga ng bawat pangyayare sa buhay mo noon, masakit man, o masaya. basta may dahilan. :)



malay mo, kaya nawala yung magandang bagay sayo ngayon, para pag may dumating na mas maganda, may space pa para sa bagay na yon. di naman kasi pwedeng doble doble di ba? ikaw din ang mabibigatan.



lahat ng bagay may dahilan. ikaw na lang ang umisip kung anong pwedeng maging dahilan. "ikaw din ang gagawa nun eh" :)



sana magets nyo. haha.

What if end of the world na bukas?


 

kung end of the world na bukas, ano nga ba una kong gagawin? choose the right? pero di ko naman gusto? or choose the wrong, but masaya ako? 


ano nga ba?

yung magdadala sakin sa langit?


o yung maaring dalhin ako sa hell?



pipiliin ko ba ang panandaliang saya habang naghihintay ng katapusan?

o ang pagiging tama hanggang katapusan?

how is it can be right? when it actually wrong? and how it can be so wrong? when it is actually the right?

iba iba nga naman ang perception ng tao. iba iba ang iniisip nila tungkol sa pamumuhay sa ibabaw ng mundo. merong sobrang relihoyoso, na ang tanging misyon lang sa buhay ay magpakabuti para makarating sa langit. actually, 1 year ago, naalala ko pa yung tinuro ng psychology professor ko...

ang buhay, ikaw dapat ang mamili sa kung anong pupuntahan nyan... you have freedom to choose and it is your responsibility.

hindi yung, magpapakabait ka lang dahil gusto mong pumunta sa langit? without any idea what are the importance of God? so pano kung walang ganung consequence? pano kung kahit magpakabait ka, sa hell ka pa din? hindi ka na magpapakabait ganun?

ang buhay hindi kelangan ng dahilan. 

kung naniniwala ka sa Diyos, eh di maniwala ka, wag mo isipin ang consequences. Let Him guide you, pag nagkamali ka, say sorry. I'm sure maiintindihan nya, kung paulit ulit kang nagkamali, pilitin mong itama, hindi yung puro sorry ikaw din naman ang magsusuffer ng consequences eh, dahil ikaw din ang gumawa nun. wala syang kasalanan, kaya di ko pa din magets ang mga taong sinisisi lahat sa Diyos ang mga paghihirap nila, hello? kamusta naman yun? try mo kayang irewind ang mga ginawa mo, tingnan ko lang kung hindi mo makita ang mali sa pagkatao mo.

ako? ang buhay ko? hindi perpekto. laging komplikado. at aaminin ko, ilang beses ko ng ginustong wakasan na to. ayoko na. pagod na ko. masyado ng masasakit ang mga nangyayari, lagi kong kinukumpara ang sarili ko sa iba, bakit ako ganito, bakit sila ganun?  di ko maintindihan pero talagang ang tingin ko sa sarili ko, sobrang lubog na sa putikang di na makaahon. at patuloy na nilulubog ng mga taong masayang masayang lumulubog ako.
pero pag kaharap ko na ang Diyos, gumagaan ang loob ko, para bang may yumayakap sakin na pinupunasan ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko.

hindi ko alam kung nagbago na nga ba talaga ako, maaring hindi pa, maaring asar na asar pa din ako sa buhay na meron ako, pero isa lang ang alam kong nagbago, ang pananaw ko.

noon, ang buhay para sakin, dapat puro saya, dapat gawin lahat ang gusto. lahat dapat makuha ko. masyado akong makasarili.gusto ko ako lang. gusto ko masaya ako, ni hindi ko man lang naisip, masaya nga ko, pano yung iba? masaya ba sila sa ginagawa ko?



ang hirap isipin kung end of the world na nga bukas. Ano nga ba gagawin ko? lahat ng tao siguro sasabihin, gusto nila makasama yung mga taong mahal nila. 


ako kaya?



sana kung end of the world na bukas, libre na lahat ng pamasahe, sa eroplano, barko, jeep, taxi, tricycle, haha. basta lahat libre. para maigala ko ang momy ko around the world, pero teka? kaya ba ng oras yun? at may magddrive kaya? syempre mas pipiliin ng mga driver na makasama na lang nila ang mga mahal nila sa buhay, kesa magpakapagod magmaneho para sa iba di ba, eh panu kung, sana libre na lang lahat ng bagay noh? kotse, lahat libre, pati pagkain, as in wala ng kwenta ang pera sa mundo. oh eh sino naman ang gagawa ng mga pagkain? sinong magtitinda? at yung kotse, panu un? eh hindi naman ako magdrive? cgurado busy lahat ng tao para makasama nila ang mahal nila sa buhay... hay anu kaya? dito na lang sa bahay? hihintayin ang end of the world?



hmmmm...



napaisip ako, nagawa ko ng magsaya, hobby ko yun eh, motto ko pa. para ngang buong buhay ko yun na lang ang inisip ko, gawin lahat ng pwedeng makapagpasaya kasi baka hindi ko na magawa. nagawa ko na din magmahal ng paulit ulit. chumever, nagawa ko na din kumain ng madami na parang wala ng bukas, nagawa ko na din naman gumala ng wagas, nagawa ko na din magpakalasing, at bumisyo, nagawa ko na din naman maging mabuting anak, kaibigan, kapamilya. nagawa ko na naman yun eh. ang di ko pa lang talaga nagagawa ng kumpleto eh... yung linisin ang sarili ko...



kung end of the world na bukas, ang una kong gagawin, pupunta ng church, magkukumpisal, at kahit abutin ako ng isang buong araw sa kakasabi ng mga kasalanan ko at paghingi ng sorry k God gagawin ko. sa dami ba naman ng kasalanan ko. at hihiling ako kahit isa lang, na sana pag end of the world na bukas, sama2 pa din kami ng mga mahal ko sa buhay kasama sya. cgurado, masaya na kong mawawala. 



Saturday, November 17, 2012

fate is a process ღ


mind -> words -> action -> habit -> character -> fate



actually, narinig ko lang yan sa Filipino 2 professor ko, nacurious ako nung sinulat nya yang mga salitang yan, habang nagiingay ang mga kaklase ko. pag kasulat nya sa board, umupo sya at tumingin sa amin, isa-isa nya tinitingnan ang mga kaklase kong, sobrang magingay, parang walang prof sa unahan. buti na lang, ireg ako, so, di ko pa ganoon kaclose ang mga classmates ko kaya wala ako makausap. tinuon ko na lang ang pansin ko sa nakasulat sa board at sa prof naming ngiti ng ngiti habang nagmamasid. ang weird! sobra.
tapos, nagsalita sya... 

ang naintindihan ko sa mga sinabi nya,


we are the one who is responsible with our fate. it's always starts on  our minds, kung ano yung iniisip mo, yun dapat ang sundin mo. kaya lang, isipin mo muna ng ilang ulit, kung tama ba o mali, saka mo buuin ang mga salitang bibitawan mo, dahil baka taliwas yon, sa kung anong iniisip mo, pag sigurado ka na sa mga salitang binigkas mo, saka mo isipin kung anong action ang gagawin mo, pwede kang magshortcut, pero mas maganda kung paghihirapan mo ang bawat bagay. at hanggang sa magiging habit mo na ang aksyon na ginawa mo. paulit-ulit mong gagawin yun hanggang sa makasanayan mo na. pag nasanay mo ng gawin ang mga bagay na yun, yun ang bubuo ng karakter mo, ng pagkatao mo, yun na yung tinatawag na IKAW. depende na kung ano ang inisip mo nung umpisa kung ano ang magiging kapalaran mo, kung maganda, eh di maganda, kung masama, eh di masama. Ikaw ang may kontrol ng lahat, maaring mahirap, maaring madaming sagabal at tukso papunta sa kapalaran mo, ngunit, dapat mong panindigan kung ano ang nasa isip mo. kung mababago ito, mababago din ang kapalaran mo. 


it's like,


goodlife >dream >pursue >hardwork >diligent >goodlife


"everything you'll do, will be paid in the end"-april