I do believe in "Everything happened for a reason" di ko lam kung pampalubag loob lang at pagtakas o talagang naniniwala nga ako.
lagi kong iniisip na sana may mas magandang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay ko, malalim pero, totoo.
siguro kaya ako nasaktan noon, para tumibay at lumakas ang loob. siguro kaya may mga taong nawawala para matuto tayong tumayo sa mga bagay na akala nating di natin magagawa ng wala sila. siguro paraan lang yun ng pagpaparealize satin na kaya natin, dahil minsan na nating inisip na hindi natin kaya.
siguro kaya may nakikilala tayong mga bagong tao, sila yung magpapakilala kung sino talaga tayo. pwede silang maging kaaway o kaibigan. siguro kaya dumadating sila para ipakita sa atin kung ano pa ba ang mga bagay na di pa natin alam. pwedeng ituro nila, o pwede ding tayo ang makatuklas ng dahil sa kanila.
ang mga nakakaaway natin, di natin alam mahalaga pala ang mga nagawa nila sa buhay natin, di lang natin napapansin pero, sila ang nagsisilbing pampatibay ng katauhan natin. ng dahil sa kanila natuto tayong magisip ng paraan kung paano lumaban, kung ano pa ba ang dapat at di dapat gawin. sila ang humuhubog sa mura nating isipan kung ano ang mga totoo sa atin. di man natin matanggap, pero sila ang nagpapaalala sa atin ng mga bagay na buong buhay natin di natin matanggap sa mga sarili natin. sila ang nagpapaalala ng mga bagay na gusto na nating kalimutan. mga bagay na ikaw sa sarili mo, di mo matanggap tanggap. pero ng dahil sa kanila, makikita mo ang kagandahan ng mga lumipas. kagandahan na maari pa lang maging sandata mo pag dating ng araw. di mo maiisip na dun ka na pala humuhugot ng lakas. ganyan sila, ganyan ang mga kaaway. ginagalit ka nila, sinasaktan. pero isipin mong mabuti, karamihan sa sinasabi nila ay totoo, ngunit hindi tanggapin ng pagkatao mo. bat di mo subukang balikan ang mga sinasabi nila? itama mo? saka ka magpasalamat sa kanila. dahil sa kanila, lumuwag na ang sikip sa puso mo.
ang mga kaibigan natin, sila yung nagbibigay ng saya, sa bawat panahon na lumipas, iba't ibang kaibigan ang ating makakaharap,.. lahat sila may dalang purpose sa buhay mo, lahat sila may naiambag sa pagkatao mo, akala mo puro saya lang? akala mo puro katotohanan? maaring kwento ng buhay nila ang magturo satin ng mga bagay bagay na dapat nating malaman, na sa palagay mo ay hindi mo pa nararanasan. pwede nating paghandaan kung sa atin man maganap. minsan ang kaibigan, sila nga ang nakakasama mo, pero hindi pa pala nila kilala ang totoo mong pagkatao,. natatakot ka na baka pag nalaman nila, mawala sila sayo? hindi yon ang tunay na kaibigan,. ang kaibigan ay yung maiintdihan ka sa lahat ng bagay,.
maingay ka man, tahimik, maarte, simple, matapang, duwag, anu man ang pagkatao mo, tanggap ka nila. hindi mo dapat tinatago kung sino ka talaga, lalo na kung sa mga walang kwentang tao. masarap mabuhay ng ginagawa mo ang gusto mo, sinosoportahan ka ng mga taong nasa paligid mo,.. panget man o maganda,. tatanggapin nila dahil dun ka masaya. may mga nasasabi din sila na maaring tumatak sa isipan natin. na maaring bumago sa buong pagkatao natin. nasayo na yon kung susundin mo. pero kung alam mong magiging masaya ka in the end, why not di ba? simple lang naman ang buhay. nasayo lagi ang pag pili. wag mo lang kakalimutan ang mga aral na nakita mo sa bawat pangyayareng nagaganap sa buhay mo. mga pangyayareng dala ng mga nakakasalamuha mo,. KAAWAY man, o KAIBIGAN. pareho lang yan.
ang mga pagsubok sa buhay natin di yan matatapos, hanggat buhay ka pa. kaya every trials you've got, take it as a challenge. isipin mo na lang part yun ng journey mo,.. marerealize mo din kung bakit nangyare ang mga yun at yun ang pinakamasarap na feeling. ang malaman ang halaga ng bawat pangyayare sa buhay mo noon, masakit man, o masaya. basta may dahilan. :)
malay mo, kaya nawala yung magandang bagay sayo ngayon, para pag may dumating na mas maganda, may space pa para sa bagay na yon. di naman kasi pwedeng doble doble di ba? ikaw din ang mabibigatan.
lahat ng bagay may dahilan. ikaw na lang ang umisip kung anong pwedeng maging dahilan. "ikaw din ang gagawa nun eh" :)
sana magets nyo. haha.
No comments:
Post a Comment